Cauayan City, Isabela – Nakiisa sa pagsasagawa ng Black Friday Protest ang mga kawani ng Isabela Electric Cooperative 1 (ISELCO) bilang bahagi sa protestang inilunsad laban sa pag-apruba ng Kongreso sa House Bill 8179 o Solar Para sa Bayan Corporation.
Sa naging panayam ng RMN Cauayan kay Engr. Virgilio Montano, General Manager ng ISELCO 1 sinabi nito na nakiisa sa protesta ang lahat ng mga kooperatiba sa bansa na nagsimula noong nakaraang buwan ng Pebrero.
Aniya, tutol ang kanilang tanggapan sa panukalang HB 8179 na magbibigay ng pahintulot na gagamit ng solar power sa bansa.
Ayon pa kay Montano, may isang korporasyon na gustong mabigyan ng prangkisa upang mabigyan ng pailaw ang mga hindi pa nasebisyuhan ng kanilang kooperatiba gamit ang solar power.
Maaaring sasakupin rin ng naturang panukala ang kooperatiba sa bansa.
Tutol rin ang nasabing kooperatiba sa nagbabadyang pagkansela sa prangkisa ng labimpitong (17)Electric Cooperatives sa bansa na isinusulong ng Department of Energy (DOE).
Dagdag pa ni Engr. Montano, maaaring magkaroon ng epekto at may pagtaas ng bayad sa kuryente dahil gagawin na itong negosyo.