Black Hawk Utility helicopter ng Philippine Air Force, bumagsak sa Capas Tarlac, mga sakay nito patay

Bumagsak ang isang Black Hawk Utility helicopter ng Philippine Air Force (PAF) ilang minuto mula ng mag-take off sa Colonel Ernesto Rabina Air Base Capas, Tarlac kagabi.

Ito ang kinumpirma ni PAF Spokesperson Lt. Col. Maynard Mariano.

Aniya, ang mga piloto at crew ng bumagsak na utility helikopter ay nagsasagawa ng night flight proficiency training nang mangyari ang pagbagsak.


Sa ngayon, walang natatagpuang survivor sa bumagsak sa helikopter pero nagpapatuloy pa ang search at retrieval operation.

Hindi pa rin isinasapubliko ang mga pangalan ng piloto at mga crew ng helikopter dahil kailangan pang ipaalam muna sa kanilang pamilya ang nangyari.

Nagpaabot rin ng pakikiramay ang PAF sa pamilya ng mga nasawi.

Nagpapatuoy rin ang imbestigsyon ng PAF para matukoy ang pinakasanhi ng pagbagsak nito.

Facebook Comments