BLACK NAZARENE NG QUIAPO, BUMISITA SA LALAWIGAN NG PANGASINAN

Bumisita ang Itim na Nazareno ng Quiapo sa lalawigan ng Pangasinan kung saan nanatili ito sa St. John The Evangelist Cathedral sa Dagupan City.
Dinagsa ito ng daan-daang mga deboto ng Simbahang Katoliko.
Nagkaroon naman ng isang prusisyon ng pilgrim image ng Black Nazarene sa kahabaan ng A.B. Fernandez Avenue sa lungsod hanggang sa St. John The Evangelist Cathedral.

Inaasahan naman ng simbahan ng Minor Basilica of the Black Nazarene sa Quiapo na mababawasan na ang bilang ng pilgrims na pupunta sa Quiapo para sa Traslacion dahil bumisita na ito sa iba’t-ibang lalawigan.
Ikinatuwa ng mga deboto ang pagbisita ng Itim na Nazareno at ramdam ng mga ito ang mga biyayang natanggap mula sa Poong Maykapal. | ifmnews
Facebook Comments