BLACK PANTHER CRAZE | Diskarte ng 2 California pranksters para makalibre ng ticket sa panonood ng Black Panther – alamin

California – May sariling strategy ang dalawang California pranksters para makatipid sa pagbili ng ticket para sa pelikulang Black Panther.

Sa video na ibinahagi sa twitter, makikita ang isang napakatangkad na lalaki suot ang mahabang coat.

Makikita rin sa video ang nakakatawang reaksyon ng mga kasabayan nila sa pila kung saan ang iba ay hindi makapaniwala sa tangkad ng lalaki.


Pero ang totoo, isa sa kanila ang nagtatago lang sa mahabang coat kung saan nakasakay sa balikat isa pa niyang kasama!

Pero ang masaklap, bigo silang makakuha ng isang ticket para sa kanilang dalawa dahil nabuking sila ng theater manager.

Facebook Comments