Black propaganda, hindi uubra para pabagsakin ang ratings ng Pangulo

Manila, Philippines – Naniniwala ang mga kongresistang kaalyado ng Pangulo sa Kamara na walang laki ng black propaganda ang magpapabagsak kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang reaksyon ay kaugnay sa latest survey ng Pulse Asia kung saan bahagyang bumaba ang trust at performance ratings ng Presidente sa unang quarter ng 2017.

Ayon kay 1Ang Edukasyon Rep. Salvador Belaro, maaaring paikutin o samantalahin ng mga kritiko ang resulta ng ratings ni Duterte para i-discredit ang mga nagawa ng kasalukuyang administrasyon.


Pero ang totoo aniya ay walang malaking pagbabago sa performance at trust ratings ni Duterte dahil mataas pa rin ito.

Sa panig naman ni Davao City Rep. Karlo Nograles, bagama’t kabi-kabila ang pag-atake kay Duterte ay makikita pa rin sa numero ng survey na suportado pa rin ng mga tao ang pangulo.

Dagdag ni Nograles, masyadong malakas ang dating ng war against drugs, foreign policy at anti-corruption campaign ni Duterte at marami pa rin ang nagnanais na makita ang iba pang agenda nito para sa pagbabago.
Nation”, Conde Batac

Facebook Comments