Naka-deploy na ngayon ang mga Sikorsky S70i Blackhawk Helicopters sa Western Mindanao Command.
Ayon kay Western Mindanao Command (WESMINCOM) Commander Maj. Gen. Alfredo Rosario, Jr., gagamitin ang mga ito sa iba’t-ibang misyon sa Western Mindanao kabilang ang pagsuporta sa “combat operations” at “quick response” sa paghahatid ng humanitarian aid.
Ang mga blackhawk helicopter ay dumating kahapon sa Edwin Andrews Airbase sa Zamboanga City kung saan sila pormal na tinanggap ng Tactical Operations Wing-Western Mindanao (TOW-WM), ang Philippine Air Force Unit na kontrolado ng WESMINCOM.
Bago isinagawa ang welcome ceremony sa Edwin Andrew’s Airbase, nagsagawa muna ng low-pass ang mga helicopter sa buong Zamboanga City.
Sinabi ni Maj. Gen. Rosario, ang deployment ng mga blackhawk sa kanilang area of responsibility ay magpapalakas ng kapabilidad ng militar.