Blacklisted Indian national na nagtangkang pumasok sa bansa, naharang sa NAIA 3

Hinarang ng Bureau of Immigration (BI) sa NAIA 3 ang isang blacklisted Indian national na nagtangkang pumasok sa bansa.

Ang Indian na si Kulwinder Singh ay dumating sa bansa via Scoot airlines flight mula Singapore.

Nitong nakalipas na taon lamang nailagay sa blacklist ng BI si Singh dahil sa pagiging undesirable alien.


Agad siyang pinabalik sa kanyang port of origin sa Singapore.

Facebook Comments