BLACKLISTED | Isang Pilipino at dalawang dayuhan na miyembro ng Islamic State, ipina-blacklist ng US Treasury Department

Manila, Philippines – Inilagay sa blacklist ng US Treasury Department ang isang Pilipino at dalawa pang senior members ng Islamic State (IS) dahil sa pagkakasangkot sa pag-rerecruit ng mga bagong miyembro para sa teroristang grupo.

Lumabas din ang tatlo sa isang video ng pagpugot.

Ayon kay US Treasury Department Undersecretary for Terrorism and Financial Intelligence Sigal Mandelker – kinilala ang mga ito na sina Mohammad Reza Lahaman Kiram (Pilipino), Mohamad Rafi Udin (Malaysian), at Mohammed Karin Yusop Faiz (Indonesian).


Itinuturing na ang tatlong bilang global terrorist.

Tinanggalan din ang tatlo ng access sa US financial system at pinatawan ng travel ban.

Facebook Comments