Blackwater Elite, nakuha ang unang panalo kontra Phoenix Fuel Master sa PBA Governors Cup

Sports – Nakakuha na din ng isang panalo ang Blackwater Elite matapos talunin ang Phoenix Fuel Master sa iskor na 92-86.

Nanguna sa Blackwater ang import na si Henry Walker na may 32 points, 15 rebounds at limang assists.

Habang nagdagdag din si Mike Digregorio ng 28 points.


Mula unang quarter ay hawak na ng Blackwater ang kalamangan at hindi na nila ito pinabayaan.

Magugunitang pinalitan ni Walker na isang dating nba player ang injured na import ng Blackwater na si Trevis Simpson.

Facebook Comments