Blackwater Elite, pasok na sa quarterfinals ng PBA Governors’ Cup

Sports – Pasok na ang Blackwater Elite sa quarterfinals ng PBA Governors’ Cup matapos talunin ang GlobalPort Batang Pier sa iskor na 118-107.

Nanguna sa Elite si Allein Maliksi na may 22 points habang nakapag-ambag naman ng 21 points si Roi Sumang at mayroong 19 points at 13 rebounds si Henry Walker.

Ito ang unang paglalaro ni Maliksi sa Elite matapos na lumipat mula sa star noong nakaraang linggo.


Mayroon nang limang panalo at limang talo ang Blackwater habang ang GlobalPort na eliminated na ay mayroong tatlong panalo at limang talo.

Facebook Comments