Blackwater Elite, tinalo ang Alaska Aces sa nagpapatuloy na PBA Governors Cup

Sports – Tinalo ng Blackwater Elite sa double overtime ang Alaska Aces sa score na 111-106 sa PBA Governors Cup.

Nanguna sa Elite si Henry Walker na nagtala ng 35 point at 32 rebounds habang mayroong 17 points si Mike Digregorio.

Maraming three-point ang pinakawalan ng magkabilang koponan hanggang umabot ito sa unang overtime 97 – all.


Nabigo na ang Aces na madala sa pangatlong overtime ang laban matapos sumablay ang three-point shot ni Chris Banchero.

Mayroon ng tatlong panalo at tatlong talo ang Blackwater habang wala pang panalo sa limang laro ang Aces.

Facebook Comments