Nananatiling unbeatable ang Blackwater Elite matapos manalo sa ikatlo nitong laban kontra Columbian Dyip sa iskor 118-110 sa nagpapatuloy na PBA Commissioner’s Cup.
Ayon kay Blackwater interim coach Aris Dimaunahan – mahigpit ang bilin niya sa kaniyang mga manlalaro na laging manalo sa bawat laro.
Bumida ang 26 points, 21 rebounds at pitong blocks ni Alex Stephenson habang nag-ambag ng 23-puntos, limang rebounds, limang assists at dalawang steals si Bobby Ray Parks Jr.
Sa ngayon hawak ng Elite ang unang pwesto sa standings na may 3-0 win-loss.
Facebook Comments