Kinumpirma ng owner ng Blackwater Elite Team na si Dioceldo Sy na ibebenta na niya ang 6-year-old PBA franchise sa halagang ₱150 milyon.
Ito’y matapos pagmultahin ng P100,000 ni Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner Willie Marcial ang koponan matapos magsagawa ng team practice nang walang ‘go-signal’.
Una nang sinabi ni Marcial na hindi pwedeng magsimula ang training ng mga manlalaro hangga’t wala ang resulta ng kanilang COVID-19 swab test.
Pero giit ni Sy, hindi lumabag sa protocols ang kaniyang team sa gitna ng pandemya.
Facebook Comments