Blast site sa Jolo Cathedral, ininspeksyon na ng NBI-counter terrorism division

Sinuyod na ng National Bureau of Investigation (NBI) counter terrorism division ang Jolo Cathedral para malaman ang istilo ng pagbomba at para matukoy ang gumawa nito.

Ayon kay Atty. Moises Tamayo, hepe ng NBI Western Mindanao Regional Office, nakakuha sila sa loob ng cathedral ng mga hibla ng buhok, bahagi ng spinal column at bahagi ng bunbunan ng tao na posibleng nagmula sa iisang tao.

Aniya, narekober ito sa pwesto ng choir na nasa mas mataas na parte sa mga nagsisimba.


Sabi naman ni Tamayo, tiwala silang na mare-reconstruct nila ang nangyari kahit na marami ng nakapasok sa blast site.

Facebook Comments