Blazers pinatumba ang Bulls; 118-98

Panalo ang Portland Trail Blazers kontra sa Chicago Bulls sa iskor na 118 – 98.

Sa simula pa lamang ng laban ay hindi na kaagad pinaporma ng Blazers ang Bulls sa mga puntos kaya natambakan sila.

Ayon kay Zach Collins ng Blazers – ginawa lang nila ang kanilang makakaya para manalo.


Nakapagtala si Collins ng 13 points, 3 rebounds at 2 assists habang ang kapwa Blazers player na si Seth Curry ay 20 points, 3 rebounds at 2 assists.

Sa ngayon, nasa top 3 ang team standing ng Blazers sa Western Conference habang ang Bulls ay pang-13 sa Eastern Conference.

Facebook Comments