Blazers, susubukang maitabla ang serye kontra Warriors

Susubukang bumangon ng Portland Trail Blazers matapos mapayuko ng Golden State Warriors sa game 1 ng NBA Western Conference.

Mamayang alas-9:00 ng umaga (oras sa Pilipinas), magbabanggaan para sa game 2 ang Warriors at Trailblazers.

Ayon kay Portland coach Terry Stotts – kailangang nilang mag-iba ng plano sa depensa.


Nakita nila ang kanilang pagkakamali sa game 1, gaya ng 21 turnovers na nagresulta ng 31 puntos para sa Warriors, ang breakdowns sa pick-and-rolls na siyang nagbukas kay Stephen Curry na magpaulan ng 36 points at siyam na three-pointers

Sa panig ng Warriors, hindi pa rin sila makakaasa kay two-time reigning MVP na si Kevin Durant na nagpapagaling mula sa injury.

Hawak ng Warriors ang lead na may 1-0 win-loss habang 0-1 sa Trailblazers.

Facebook Comments