Ipinaliwanag ni Atty. Nepomuceno Malaluan, Undersecretary at tagapagsalita ng Department of Education (DepEd), nasa ilalim ng blended learning ang pagpapatupad ng face-to-face classes.
Aniya, noong dinisenyo ang distance learning isinama na dito ang face-to-face classes kung saan kabilang ito sa blended learning.
Subalit, hindi ito ipinatupad dahil na rin sa kautuusan ng pangulo na walang face-to-face learning hangga’t walang bakuna.
Kung sakaling magkakaroon na aniya ng face-to-face classes, maaaring isa o dalawang beses lang sa isang linggo o sa loob ng dalawang linggo pumasok ang mga mag-aaral sa paaralaan.
Ico-complement aniya ng blended learning ang mga gawain sa paraalan na pwede naman gawin sa bahay.
Tiniyak naman niya na mahigpit na ipatutupad ang health protocols laban sa COVID-19 kung sa magkaroon na ng face-to-face classes.