Blended Learning, nais palakasin ng DepEd ngayong panahon ng bagyo

Isinusulong ng Department of Education (DepEd) ang Blended Learning ngayong panahon ng tag-ulan.

Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, malaki ang maitutulong ng Blended Learning para maging tuloy-tuloy ang pag-aaral ng mga estudyante kahit may bagyo o pagbaha.

Maaari rin aniyang magpatupad ng Saturday class ang mga paaralan para makahabol sa aralin ang mga estudyanteng naapektuhan ng kalamidad.


Kinumpirma ni Angara na 841 na mga paaralan ang hindi nakapagsimula ng klase ngayong araw matapos ang pananalasa ng Bagyong Carina kung saan 800,000 na mga mag-aaral ang naapektuhan.

Sa kabilang dako, 98% aniya na mga paaralan sa bansa ang nakapagsimula ng klase ngayong araw.

Facebook Comments