Blended learning, nananatiling option para sa susunod na school year – DepEd

Mananatiling opsyon sa mga estudyante sa basic education level sa paparating na school year ang blended learning.

Ito ang pahayag ng Department of Education (DepEd) sa harap ng banta ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Education Undersecretary for Human Resource and Organizational Development Jesus Mateo, wala pang pinal na desisyon para sa pagbubukas ng School Year (SY) 2021-2022.


Pero plano aniya ng kagawaran na gawing available ang blended learning sa mga estudyante.

Facebook Comments