Iminungkahi ni Sen. Nancy Binay na pag-aralang mabuti ang pagpapatupad ng hybrid o blended learning sa halip na 100 percent face-to-face classes ngayong school year 2022-2023.
Sa nabanggit na konsepto, ay may mga araw na pupunta ang mga mag-aaral sa eskwelahan at may mga araw naman gagawin online ang kanilang klase.
Paliwanag ni Binay, ang pagpapatupad ng blended o hybrid mode of learning ay para sa kaligtasan ng lahat ng mga estudyante, mga guro at mga magulang.
Ayon kay Binay, mayroon pang mga magulang na nag-aalangan na papasukin sa eskwelahan ang kanilang mga anak dahil nananatili pa ang COVID-19 pandemic.
Kaugnay nito ay suhestyon din ni Binay na ipasok ang paggamit ng teknolohiya sa educational system sa gagawing pagrepaso sa curriculum ng K to 12 kaakibat ang paggiit na pagbutihin ang pagtuturo ng English, Math at Science.