BLESSED | Janice De Belen, thankful sa kabi-kabilang trabaho

Manila, Philippines – Wala daw problema para sa aktres na si Janice De Belen kahit pa wala siyang exclusivity sa anumang TV station.

Say ni Janice, thankful siya at may mga kasunod na trabaho matapos ang raket niya sa karibal na network.

Dagda pa ng aktres na basta at may bakanteng trabaho o offer, ay sige lang daw siya para sa kinabukasan ng kaniyang pamilya.


Hindi din daw siya namimili kung anomang karakter basta at kaya nya.

Nabatid kasi na kakatapos lang ni Janice makasali sa isang serye sa kapuso kung saan lalabas naman daw siya sa upcoming drama series sa Kapamilya network.

Facebook Comments