BLIND WARRIOR | Bulag na lalaki sa Netherlands, isa sa mga itinuturing na pinakamagaling maglaro ng video game

Netherlands – Isang lalaki sa Netherlands ang hinahangaan ngayon dahil sa galing nitong maglaro ng video game na “street fighter”.

Pero ang kakaiba kay Sven Van De Wege, siya ay hindi nakakakita.

Nabatid kasi na nabulag si Sven noong anim na taong gulang pa lamang siya dahil sa sakit na cancer.


Subalit hindi nagpatinag si Sven at ginamit ang iba pa niyang senses para maging isa sa mga sikat na player pagdating sa video game na street fighter.

Sa maniwala kayo o hindi, tinalo niya sa best of three match ang world class gamer na si Musashi ng Japan sa Spnic Boom Tournament na ginanap sa Madrid noong nakaraang taon.

Dahil dito, ang blind warrior na si Sven ang isa sa mga international icon pagdating sa world of gaming.

Facebook Comments