Sumailalim ang mga school learners mula sa lalawigan ng La Union sa isinagawang five-day vision screening ng Department of Health sa pamamagitan ng Regional Blindness Prevention Program.
Mga mag-aaral sa ikalawa at ikatlong baitang mula sa mga piling paaralan ang nakinabang sa naturang programa.
Layunin nito ang maagang deteksyon upang maiwasan ang kaso ng pagkabulag sa mga bata.
Samantala, alinsunod ito sa implementasyon ng Prevention of Blindness Program (PBP) na umaarangkada hindi lamang sa mga paaralan, maging sa mga komunidad sa mga barangay sa bansa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









