Blinken: Alyansa ng Amerika at Pilipinas, matatag pa sa bato

Nagkaharap na sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at US Secretary of State Antony Blinken sa Palasyo ng Malacañang.

Sa courtesy call ni Blinken sa Malacañang, sinabi ni Pangulong Marcos na masaya siya sa pagbisita nito sa gitna ng mga pangyayari sa buong mundo na nakakaapekto sa dalawang bansa.

Samantala, inihayag naman ni Blinken na mas matigas pa sa bato ang ugnayan ng Pilipinas at Estados Unidos.


Ang matibay na ugnayan aniya ng Pilipinas at Amerika ang prayoridad ni US President Joe Biden kung saan muling tiniyak ang pangako na mas lalo pang palalakasin ang bilateral relations ng dalawang bansa.

Matapos ang bilateral meeting, nagkaroon ng isang dinner si Pangulong Marcos at Blinken kasama ang US delegation.

Dito ay pinasalamatan ng Pangulo si Blinken para sa mga oportunidad na dala ng kanilang pulong partikular na sa usapin ng ekonomiya at seguridad.

Facebook Comments