Blockbuster trade nina Kyrie Irving at Isaiah Thomas pinal na

Sports – Tuloy na ang trade sa pagitan ng Cleveland at ng Boston matapos pumayag ang Celtics na dagdagan pa ang package na alok nito para makuha nila si Kyrie Irving.

Sa bagong kasunduan ipapadala ng Celtics sina Isaiah Thomas, Jae Crowder, Ante Zizic at ang unprotected 2018 first round pick ng Brooklyn Nets kapalit ni Irving.

Naunang pumalag ang Cleveland sa trade matapos malaman na may hip injury si Thomas.


Base sa NBA rules dapat makumpleto na ng Boston at Cleveland alas-diyes bukas ng umaga.

Facebook Comments