Blogger Sass Rogando Sasot, inireklamo ng cyberlibel ng PCG official

Naghain ng reklamong cyberlibel si Philippine Coast Guard (PCG) Spokesperson for the West Philippine Sea (WPS) Commodore Jay Tarriela laban sa isang blogger na umano’y naninira sa kaniya.

Sinampahan ng reklamo ni Tarriela si Sass Rogando Sasot sa Manila Prosecutors Office dahil sa mga serye ng walang basehan, malisyoso at personal na pag-atake.

Bagama’t inirerespeto aniya ang malayang pagpapahayag ay hindi nito saklaw ang pagpapakalat ng disinformation, paninira ng isang tao at layuning alisin ang tiwala ng publiko.

Sinabi pa ng opisyal na layon din nitong tumindig para sa mga public servant na nakakaranas ng online abuse at misrepresentation.

Umaasa si Tarriela na magsisilbi itong mensahe upang ipakita ang kahalagahan ng katotohanan at nararapat lamang na irespeto at protektahan mula sa malisyosong pag-atake ang mga nanunungkulan.

Paalala din aniya ito na ang freedom of expression ay dapat naka-angkla sa katotohanan, responsibilidat at respeto.

Tinulungan si Tarriela ng Movement Against Disinformation sa paghahain ng cyberlibel complaint laban kay Sassot.

Facebook Comments