Bloggers, social media influencers babantayan na rin ng Comelec

Manila, Philippines – Babantayan na rin ng Commission on Elections (Comelec) ang mga bloggers o social media influencers na nagiging “outlet” ng mga kandidato para makakampanya sa May 13 midterm elections.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez – pangungunahan niya ang 10-member team na tututok sa mga blog at social media post na ginagamit na ring campaign propaganda ng mga kandidato.

Pero nilinaw ni Jimenez na ang intensyon ng poll body ay malaman kung mga ito ay nakadeklara sa Statement of Contributions and Expenditures o SOCE.


Aminado rin ang poll body ang hindi nila nare-regulate ang content o nilalaman ng campaign advertisement, subalit dapat batid ng mga kandidato at political parties ang kanilang campaign spending limit.

Nanawagan din ang Comelec sa publiko na huwag magpapalinlang at magpapaloko sa “disinformation” na kumakalat ngayong election period.

Facebook Comments