Bloke-blokeng cocaine na narerekober, sasampa na sa halos ₱900-M

Pumalo na sa halos ₱900 million ang halaga ng cocaine bricks ang narerekober sa mga baybayin ng bansa.

Ayon kay PNP Spokesperson, Police Colonel Bernard Banac – mula nitong February 10 ay aabot na sa 168.73 kilos ng cocaine na may estimated street value ng ₱892.84 million ang nasasasamsam.

Ang pinakahuli ay nitong March 3 sa Baler, Aurora kung saan isang kilo ng cocaine na nagkakahalaga ng limang milyong piso ang narekober.


Tiniyak ng PNP na patuloy nilang babantayan ang mga aktibidad sa mga baybayin ng bansa lalo na sa eastern seaboard kung saan karamihan sa mga cocaine ay nakuha.

Facebook Comments