Bloke-blokeng cocaine, natagpuan sa dalampasigan ng Dinagat Islands

Aabot sa tatlumpu’t pitong bloke ng hinihinalang cocaine ang natagpuan ng isang mangingisda sa dalampasigan ng Purok 2, Barangay Poblacion, Dinagat Island.

Sa ulat ng Cagdiano Municipal Police Station alas 5:30 ng hapon kahapon ng makita ng mangingisdang si Gonie Curada ang bloke-blokeng cocaine.

Agad niya itong ipinagbigay alam sa mga tauhan ng Cagdiano Municipal Police station.


Nang puntahan ng mga pulis tumambad sa kanila ang 37 bloke ng cocaine.

Agad namang dinala ang nasabing kontrabando sa tanggapan ng regional crime laboratory ng Police Regional Office 13 sa Butuan City para isailalim sa pagsusuri.

Pinuri naman ni PNP Spokesman Senior Superintendent Bernard Banac ang mangingisda dahil sa aktibong pakikiisa at pagiging mapagmatyag.

Facebook Comments