Bloke-Blokeng Dahon ng Marijuana, Nasabat sa Quezon, Isabela

69

Cauayan City, Isabela-Nakumpiska ng mga awtoridad mula sa mga suspek ang hinihinalang bloke-blokeng dahon ng Marijuana matapos ikasa ang buy-bust operation dakong alas-12:45 sa National Highway, Brgy. Barucboc, Quezon, Isabela.

Nakilala naman ang mga suspek na sina Marcelo Tudlong at Keruben Winnie Banosan, nasa tamang edad at pawang mga itinuturing na High Value Target (HVT).


Narekober sa mga suspek ang tumitimbang na 37kilograms ng marijuana bricks na may drugs value na P4,400,000.00 at limang (5) gramo ng Shabu na nagkakahalagang P34,000 gayundin ang 5 bundle ng 1,000-peso boodle money na ginagamit sa transaksyon.

Mahaharap ngayon sa kasong RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2001 ang mga suspek na nasa kustodiya ng pulisya.

Facebook Comments