Blood Donation Activity, muling ikinasa ng PAG-IBIG Fund

Para mas lalong makatulong sa ilang mga pasyenteng nangangailangan ng dugo, muling nagkasa ng Blood Donation Activity ang Pag-IBIG Fund kasama ang Dugong Alay, Dugtong Buhay, Inc..

Ginanap ang aktibidad sa opisina ng Pag-IBIG Fund sa Mandaluyong City kung saan katuwang nila ang Rotary Club of Chinatown, Our Lady of Lourdes Hospital, at Cardinal Santos Medical Center.

Karamihan sa mga nag-donate ng dugo ay mga empleyado ng PAG-IBIG Fund mula sa iba’t-ibang tanggapan nito sa Metro Manila.


Bukod dito, nag-donate rin ng dugo ang ilan sa tauhan ng Mandaluyong City Police Station, mga nasa Maritime Industry, at iba pang komunindad.

Ang mga nai-donate na dugo ay ipapamahagi sa ilang piling hospital lalo na sa higit na nangangailangan na mga pasyente.

Sa kasalukuyan, nasa higit 50 indibwal ang nakatapos na ng pagdo-donate ng dugo.

Facebook Comments