Blood donation drive, mangrove planting at clean-up drive ng DYRI RMN Iloilo, naging matagumpay

Naging matagumpay ang isinagawang clean-up drive at mangrove planting ng DYRI RMN Iloilo na ginanap sa Iloilo River Esplanade.

Nagtanim ng mangrove propagules ang mga personnel ng DYRI RMN Iloilo kasama ang RMN Fans Club, Iloilo City Environment and Natural Resources Office (City ENRO) at iba pang mga grupo.

Ito ang kontribusyon ng RMN sa mahalagang papel ng pagbibigay-kamalayan sa mga mamamayan hinggil sa kahalagahan ng kapaligiran.


Samantala, umabot rin sa 48 sa 57 registrants ang naging successful blood donor sa blood donation drive ng DYRI RMN Iloilo kasama ang Ramon Tabiana Memorial District Hospital sa Cabatuan, Iloilo.

Ang blood donation drive ay isinasagawa kada buwan upang makalikom ng dugo na kinakailangan sa panahon ng emerhensya.

Facebook Comments