Mas pinaigting ng lokal na pamahalaan ng San Nicolas ang kampanya sa paglikom ng dugo upang masiguro ang sapat na suplay nito para sa mga nangangailangang pasyente.
Bilang bahagi ng kampanya, magsasagawa ng bloodletting activity ang tanggapan sa Disyembre 19 mula alas-8 ng umaga hanggang alas-2 ng hapon.
Magbibigay ang lokal na pamahalaan ng limang kilo ng bigas sa bawat matagumpay na donor sa pagsisikap na makakalap ng mas maraming volunteers.
Patuloy naman ang panawagan ng tanggapan sa publiko na makiisa sa programang makatutulong sa kalusugan at kaligtasan ng komunidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









