Blood Letting Activity, Isinagawa ng 502nd IB Kasabay ng Kanilang Anibersaryo

Cauayan City, Isabela- Nagsagawa ng blood letting activity ang mga sundalo ng 502nd Infantry Brigade sa pamumuno ni BGen Laurence Mina kasabay ng pagdiriwang sa ika-33 anibersaryo ng nasabing yunit nitong ika-30 ng Mayo.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay SSgt Jake Lopez ng 502nd IB, isinagawa ang pagdodonate ng dugo nitong ika-2 ng Hunyo na may temang “Be a Hero! Donate Blood, Save Life” mula sa mga kasundaluhan ng 5th Civil Military Operation Battalion, 95th IB, 86th IB, 513 Engineering Construction Battalion at ng 502nd Brigade na kung saan ay nasa 40 na mga sundalo ang matagumpay na nakuhanan ng dugo.

Kasabay nito, nagkaroon ng paglagda sa isang Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng 502 nd Brigade at Isabela Medical Center (SIMC) na nangasiwa sa nasabing aktibidad upang doon iimbak ang mga nalikom na dugo.


Ayon kay SSgt Lopez, maaaring lumapit sa pamunuan ng 502nd IB ang sinumang nangangailangan ng dugo at makipag-ugnayan sa Civil Military Operations Officer upang mairequest din ito sa SIMC.

Kinakailangan lamang aniya na magdala ng anumang patunay na nangangailangan ng dugo ang isang indibidwal.

Samantala, muling naging instrumento nitong mga nagdaang araw ang mga sundalo sa paghahatid ng mga medical supplies sa mga ospital sa Lambak ng Cagayan na donasyon ng isang Foundation bilang tulong sa pagtugon sa sakit na COVID-19.

Facebook Comments