BLOOD LETTING PROGRAM AT ILANG MEDICAL DEMONSTRATION, ISINAGAWA SA BAYAN NG BAYAMBANG

Isang Join Blood Drive ng CSOs, first aid o CPR lecture-demo at ilang libreng serbisyong check up ang isinagawa sa bayan ng Bayambang kung saan malaki ang maaaring maitulong sa mga nabenipisyuhan.
Ang pagsasagawa ng aktibidad na ito ay makatutulong sa mga mamamayan ng Bayamabang at makapaghatid ng libreng serbisyong medikal at makapagbahagi rin ng sapat ng kaalaman pagdating sa emergency purposes.
Ang blood letting program na may kasamang lecture demonstration on first aid at CPR, free blood sugar screening, at libreng eye checkup ay pinangunahan ng ilang mga organisasyon tulad ng Reaction 166-Animal Kingdom Base, Xtreme Riders Club Pangasinan Inc., Bayambang MANGO Inc., and Bayambang Bayanihan Lions Club in partnership with LGU-Bayambang, Luzon Aliguas Eagles Club, Kasama Kita sa Barangay Foundation Inc., at Philippine Red Cross-Dagupan Chapter.

Ginanap naman ang naturang programa sa Balon Bayambang Events Center, kahapon, May 28. |ifmnews
Facebook Comments