Blood samples na kinuha sa Carcar, Cebu, positibo sa ASF ayon sa DA

Inihayag ng Department of Agriculture-Bureau of Animal Industry o DA-BAI na nagsagawa ng real-time Polymerase Chain Reaction o RT-PCR sa mga blood samples na positibo sa African Swine Fever (ASF) ang 58 mula sa 149 blood samples na kinuha sa baboy sa Carcar City, Cebu.

Ayon sa DA, agad na nakipag-ugnayan ang BAI sa DA-Regional Field Office VII, Provincial Veterinary Office of Cebu at iba pang tanggapan ng pamahalaan para ipatupad ang ASF protocols.

Paliwanag pa ng DA, bibigyan din ng BAI ng technical at logistical support ang mga magba-baboy para mapigilan ang pagkalat ng infection.


Hinihikayat ng BAI ang mga swine raisers at stakeholders na agad na ipagbigay-alam kung nagkakasakit ang mga alagang baboy para agad na mapaigting ang biosecurity measures.

Pinakakalma ng BAI ang publiko at huwag mag-panic dahil gumagawa na ng aksyon ang pamahalaan hinggil dito.

Facebook Comments