Blood stain na nakuha sa inabandonang sasakyan na pinaglipatan umano sa missing beauty queen, nagtugma sa DNA ng magulang nito

Iniulat ni Philippine National Police (PNP) Public Information Office (PIO) Chief PCol. Jean Fajardo na tumugma ang blood stain sa pulang CRV na pinagsakyan umano sa nawawalang beauty queen na si Catherine Camilon sa kanyang magulang.

Ayon kay Fajardo 99.9 percent na tumugma ang DNA test na ginawa ng forensic group sa magulang ni Camilon.

Hindi naman makumpirma ng opisyal kung hanggang sa mga oras na ito ay buhay pa sa Camilon pero habang tumatagal umano ay numinipis ang tyansa na buhay pa ito.


Nabatid na hanggang ngayon ay hindi pa natutukoy ang kinaroroonan ni Camilon na huli umanong nakita na duguan at inililipat mula sa kanyang sasakyan patungo sa CRV.

Kasunod nito kanyang sinabi na sa December 19 ay magkakaroon ng preliminary investigation at nakatakdang maghain ng counter affidavit si Police Maj. Allan de Castro na karelasyon ni Camilon na syang tinurong pangunahing suspek sa kaso.

Facebook Comments