Blood type, ipinalalagay sa mga IDs, certificates at lisensya

Manila, Philippines – Pinalalagyan na ng blood type ang mga ID, certificate at lisensya ng bawat Pinoy.

Bago nag-break ang sesyon ng Kamara, napagbotohan ito ng mga kongresista sa pinal na pagbasa at walang tumutol.

Ayon kay Mandaluyong Rep. Alexandria Queenie Gonzales, may-akda ng panukala, crucial at napakahalaga ng paglalagay ng blood type sa ID dahil makakatulong ito agad sa oras ng emergency.


Sakaling may aksidente, madaling matutukoy ng mga rescuers at mga doktor ang blood type ng biktima kung makikita na ito sa id card para mabilis na mahahanapan ito ng blood supply para sa transfusion.

Sa ganitong paraan ay tiyak aniyang mas marami ang maililigtas na buhay.

Base sa panukala ni Gonzales, ang mga ID na dapat may blood type ay ang SSS at GSIS, pasaporte, ID ng professional regulation commission, birth certificate, driver’s license pati lisensya ng baril.

Facebook Comments