Bloodless anti-drug campaign ng PNP nakasabat ng mahigit P20-B ngayong 2024

Nakasabat ang Philippine National Police (PNP) ng tinatayang P20.7-B na halaga ng ilegal na droga mula Enero a-1 hanggang Disyembre a-15, 2024.

Ayon kay PNP Chief, Police General Rommel Francisco Marbil, ang kanilang recalibrated at bloodless anti-illegal drugs campaign ay epektibo kung saan nakapagtala ito ng 101% kumpara sa kaparehong panahon noong isang taon.

Sa nasabing datos 46,821 anti-drug operations ang isinagawa ng PNP sa buong bansa na nagresulta sa pagkaka aresto ng 57,129 mga indibidwal at pagkakasabat ng halos 8 metriko tonelada ng ilegal na droga.


Naitala ang Police Regional Office 4A (Calabarzon) na may pinaka malaking halaga ng nasabat na droga sa P9.9B na sinundan ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) na may P2.4B

Binigyang diin ni Marbil na ang kanilang recalibrated at bloodless anti-illegal drugs campaign ay naka-angkla sa pagpapahalaga sa karapatang pantao.

Facebook Comments