BLOODLESS | Oplan tokhang ng PNP, nanatiling bloodless – mga sumukong drug personalities umaabot na sa 3, 173

Manila, Philippines – Hindi pa rin madugo ang unang buwan ng muling pagsasagawa ng oplan tokhang ng pamahalaan.

Batay sa update ng Philippine National Police, simula January 29, 2018 hanggang March 1, 2018 umaabot sa 3, 173 drug personalities ang sumuko at wala pa ring naitatalang namamatay.

Sa rekord ng Directorate for Operations, pinakamarami sa mga sumuko ay mula sa Region 10 na mayroong 405 drug surrenderers na sinundan ng National Capital Region na may 240 drug surrenderers.


Sumuko ang mga ito matapos ikasa ang 5,543 tokhang activities ng Philippine National Police.

Kaugnay nito sinabi ni PNP Spokesperson Police Chief Supt John Bulalacao na mas marami na ngayon ang nakakaunawang Pilipino sa pagkakaiba ng Tokhang sa anti illegal drug operation.

Sa mga nakalipas na panahon, laging naididikit sa oplan tokhang ang pagkakasawi ng mga drug personalities sa drug operation.

Facebook Comments