Iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na epektibo ang “bloodless” na kampanya laban sa iligal na droga sa bansa.
Sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA), ibinida ng pangulo ang mahigit ₱44-billion na halaga ng droga na nasabat sa mahigit 71,500 na operasyon.
Sa nasabing operasyon, mahigit 97,000 ang nahuling drug personalities habang mayroong 79% na drug conviction rate.
Samantala, pagdating sa peace and order, sinabi ng pangulo na patuloy na sumasailalim sa capacity-building at asset upgrading ang mga law enforcement body ng bansa upang mapanatili ang kapayapaan at ipagtanggol ang teritoryo ng bansa.
Facebook Comments