BLOODLETTING ACTIVITY, ISINAGAWA SA TAYUG

Nag-organisa ng bloodletting activity ang Lokal na Pamahalaan ng Tayug katuwang ang Philippine Red Cross – Urdaneta Chapter upang makalikom ng suplay ng dugo para sa mga pasyenteng nangangailangan.

Layunin ng aktibidad na makapag-ambag sa mas matatag na blood supply ng komunidad, kabilang ang may anemia, leukemia, at mga biktima ng aksidente.

Ayon sa organizers, bawat donasyon na dugo ay maaaring makatulong sa pagsagip ng buhay at magbigay ng pag-asa sa mga pasyenteng kritikal ang kondisyon bukod pa sa benepisyong mas maayos na blood circulation sa katawan.

Bawat bag ng dugo mula sa mga nag-donate ay pag-asawa sa mga pasyenteng nangangailangan nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments