Bloodletting activity ng DZXL 558 Radyo Trabaho, RMN Networks, RMN Foundation, RMN-Marketing Media Ventures at Philippine Red Cross, naging matagumpay!

Naging matagumpay ang katatapos lamang na bloodletting activity ng DZXL 558 Radyo Trabaho, RMN Networks, RMN Foundation, RMN-Marketing Media Ventures at Philippine Red Cross.

Sa sabayang aktibidad na may temang “Voluntary Blood Donation to Save the Nation”, nasa 30 bags ng dugo ang na-donate ng mga empleyado ng RMN na nagsimula kaninang umaga.

Ito na ang ikatlong pagkakataon na nakilahok ang RMN sa bloodletting activity ng PRC bilang pakikiisa na sa selebrasyon ng International Volunteers Day.


Samantala, muli naman nilagdaan ang panibagong Memorandum of Agreement sa pagitan ng RMN Foundation Inc. at PRC para mapaigting ang magandang relasyon at i-promote ang malawakang volunteerism sa panahon ng kalamidad.

Sa virtual signing, binigyang – diin ni RMN-MMV Executive Vice President and Chief Operating Officer Ss. Erika Canoy-Sanchez ang pagkilala ng RMN Networks sa volunteerism ng mga Pinoy.

Ayon kay Ms. Erica, kaisa ang RMN Networks sa pagbibigay at paghahatid ng impormasyon ng PRC sa pagtulong sa publiko.

Lubos naman ang pasasalamat ng PRC sa pangunguna ni Secretary General Elizabeth Zavalla sa patuloy na pagsuporta ng RMN sa kanilang mga programa at aktibidad.

Facebook Comments