Pangasinan – Matagumpay na naisagawa ang bloodletting drive activity sa 6th district ng Pangasinan partikular na sa bayan Sta. Maria na kung saan istrikong naobserbahan din ng mga mamamayan ang minimum health standards kontra sa COVID19.
Sa pangunguna ni Congressman Tyrone Agabas sa naturang aktibidad , ito ay naglalayong pataasin ang kamalayan ng mga residente para sa boluntaryong donasyon ng dugo na siyang patuloy na magbibigay at maglalaan ng ligtas na suplay at sa pagpapanatiling sapat nito sa mangangailangan.
Target ng nasabing distrito ang pagkakaroon ng sapat na stock ng dugo lalo na ngayong panahon ng pandemya. Samantala, matagumpay ding naisagawa ang aktibidad sa bayan ng Natividad kamakailan lamang.
Facebook Comments