BLUE ALERT STATUS, ITATAAS NG PDRRMO SA PAGSAPIT NG SEMANA SANTA

Nakatakdang itaas ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang alert status ng lalawigan mula white patungong Blue Alert Status simula Biyernes, Marso 27, 2026.

Ito ay matapos ang isinagawang pre-disaster risk assessment at scenario building meeting ng PDRRMO upang paghandaan ang pagdaraos ng Semana Santa sa lalawigan.

Sa ilalim ng blue alert, naka-standby na ang search and rescue teams, emergency medical services at ang Emergency Operations Center (EOC) ng PDRRMO na nakatuon sa prepositioning.

Bukod dito, bantay-sarado rin ang borders at mga pasyalan na inaasahang dadagsain ng mga tao.

Tiniyak din ng tanggapan ang koordinasyon sa mga lokal na tanggapan at ahensya tulad ng PNP at PCG upang bantayan ang kabuuang kaligtasan at kapayapaan ng aktibidad na inaasahang samantalahin ng mga magsisiuwi sa lalawigan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments