
Itinaas na sa Blue Alert status ang Emergency Operations Center ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council-Region 1 (RDRRMC1) kaugnay ng nagpapatuloy na grassfire sa dalawang barangay sa bayan ng Carasi, Ilocos Norte.
Sa ulat ng RDRRMC1, sumiklab ang grassfire bandang alas-2:30 ng hapon kahapon sa kabundukan ng Barangay Barbaquezo at Virbira.
Agad namang rumesponde ang mga awtoridad.
Nagsasagawa na rin ng Aerial Reconnaissance at Heli-Bucket Operation ang Tactical Operations Group 1 ng Philippine Air Force.
Sa isinagawang situation briefing ngayong araw sa pangunguna ni OCD RO1 Regional Director Laurence Mina, tinalakay ang mga kinakailangang tulong at interbensyon para sa mga apektadong lugar.
Facebook Comments