
Naka-blue alert statys na ngayon ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) dahil sa banta ng Bagyong Wilma.
Alinsunod na rin ito sa direktiba ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) para matiyak ang maagap na pagtugon sa posibleng magiging epekto ng tropical depression.
Maliban dito, nakaalerto na rin ang lahat ng Field Offices ng DSWD para sa agarang pagpapagana ng Quick Response Teams, Camp Coordination and Camp Management.
Nakahanda na rin ang food at non-food items para sa mga posibleng lumikas na pamilyang maaapektuhan ng bagyo.
Dahil sa bagyo, nagpapatuloy naman ang isinasagawang monitoring at koordinasyon ng DSWD sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan maging sa mga local government units o LGUs.
Facebook Comments









