Blue Alert Status, itinaas na ng NDRRMC bilang paghahanda sa Bagong Ursula

Nakataas na sa Blue Alert Status ang National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) bilang paghahanda sa Bagayong Ursula.

Base sa isinagawang pre-disaster meeting ng NDRRMC kasama ang mga opisyal mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno, natukoy na aabot sa 2,939 Baranggay sa mga bulubunduking lugar ang delikado sa landslide.

Nasa 3,652 Baranggay naman ang nanganganib sa pagbaha sa mga mabababang lugar sa Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region, Western Visayas, Eastern Visayas, Caraga at BARMM.


Nakapaghanda na rin ang DSWD ng halos 260,000 family food packs, bukod pa ito sa ₱612 Milyong halaga ng non-food relief items.

Tiniyak ng NDRRMC na may karagdagang stocks ng relief items ang naka-standby at maaaring ipamahalagi kapag kinakailangan.

Facebook Comments