Blue Alert status, itinaas na ng NDRRMC ngayong holiday season

Itinaas ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang alert status nito sa Blue Alert ngayong holiday season.

Ayon sa inilabas na memorandum ng NDRRMC, epektibo ang nasabing alert status mula Disyembre 22, 8:00 a.m. hanggang Enero 3, 2026, 8:00 a.m..
Samantala, ang monitoring period para sa mga holiday-related incidents ay nakatakda mula Disyembre 22, 2025 hanggang Enero 2, 2026.

Kaugnay nito, inatasan na ring mag-duty sa NDRRMC Operations Center (NDRRMOC) ang mga duty officers mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine Coast Guard (PCG), at Philippine National Police (PNP) upang masiguro ang tuloy-tuloy na koordinasyon at agarang pagtugon sa mga pangangailangan at emergency.

Layunin ng pagtaas ng alert status na mas mapabilis ang paghahanda at pagtugon ng mga ahensya sa posibleng mga insidente sa panahon ng Kapaskuhan.

Facebook Comments