Blue alert status, itinaas ng NDRRMC

Itinaas na ng National Disaster Risk Reduction And Management Council (NDRRMC) sa blue alert status ang kahandaan matapos maging bagyo ang low pressure area sa silangan ng Luzon na tinawag na bagyong Hanna.

 

 

Payo ng NDRRMC sa publiko, mag-ingat at mag-monitor sa anunsyo ng kanilang mga lokal na tanggapan.

 

 

Hindi naman pinapayagan ang may mga maliliit na sasakyan na pandagat na pumalaot sa western seaboard ng Luzon dahil sa matataas na alon.


Facebook Comments